PHL trackers sumungkit ng silver sa Indonesia

KUMABIG pa ng isang pilak na medalya ang Pilipinas mula sa national junior track and field squad sa idinaraos na 2012 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) School Games na ginaganap sa Delta Stadium Athletics sa Surabaya East of Java sa Indonesia.

Ipinakita ng Palarong Pambansa record-holder na si Joneza Mie Sustituedo ang galing para makasiguro ang pilak na medalya sa paboritong 3,000-meter event.

Itinala ng Western Visayas Region bet na si Sustituedo ng 10 minuto at 54.83 segundo, para sumegunda at napasakamay ni Tran Thi Mai ng Vietnam ang gold medal bunsod sa pagtatapos ng 10 minuto at 27. 68 segundo.

Tansong medalya ang napunta kay Nguyen Thi Hang ng Vietnam makaraang magtala ng 10 minuto at 58.72 segundo sa torneo na nilahukan ng powerhouse Thailand, Vietnam, Singapore, Malaysia, Brunei Darussalam at host Indonesia.

Magugunitang nakasungkit ng gold medal si Sustituedo sa 2012 Palarong Pambansa na idinaos sa Lingayen, Pangasinan sa bisa ng impresibong record-breaking fashion na 10 minuto at 40.6 segundo.

Dinaig ang dating marka ni Mary Jane Campos noong 2000 sa Bacolod.

Ikalawang medalya ito ng Pilipinas sa athletics competition matapos unang angkinin ni Julian Reem Fuentes ang unang medalya na tanso sa boys’ long jump event sa bisa ng 6.96 metro distansiyang naitala nito.

Magtatangka nang sumungkit ng gold medal ang national junior badminton team sa pag-arangkada ng singles, doubles at mixed doubles ng badminton competition.

Papalo sa boys’ singles sina Ros Leenard Pedrosa, Elijah Abdel Boac at Wilson Joseph Lopez na tumiyak ng kani-kanyang opening round byes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply