Pila sa helmet validation ng DTI, pahirap

NAGREREKLAMO na ang motorcycle riders na pumipila sa mga opisina ng Department of Trade and Industry sa kabagalan ng sistema na pinatutupad ng ahensya sa isinasagawang ICC Validation at Sticker Marking on Helmets  sa National Capital Region.

Apat na lugar ang pinagdarausan ng DTI program sa Pasay , Makati, Mandaluyong at Valenzuela  simula pa noong July 23 na matatapos sa July 31, 2012 nang walang sinisingil na halaga sa mga nagmamay-ari ng helmet.

Subalit simula sa Agosto 1 ay magpapataw na ang DTI ng sticker fee at processing fee sa mga magpapa-validate ng kanilang mga helmet.

Ayon sa mga pumipila na riders , kung sapat ang mga tauhan ng DTI na gaganap ng pag-validate ng mga helmet ay hindi tatagal at hahaba ang pila ng kanilng hanay na umabot na sa dalawang kalsada ang haba partikular sa Pasay na nagsimula ang pila sa Harisson St. hanggang dulo ng Roxas Blvd. sa may Cuneta Astrodome at umikot sa kabilang kalsada ng Libertad St. patungo sa gusali ng DTI sa Roxas Strip bldg.

Ayon kay DTI Usec. Zeny Maglaya, layon ng programa ng DTI na mapangalagaan ang buhay ng mga motorista sa kalsada sa pagggamit ng mga katanggap-tanggap at may kalidad na helmet DTI at bilang paghahanda sa full-implementation ng Motorcycle Helmet Law o Republic Act 10054 sa Setyembre 30, 2012.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply