Pinas bigo sa joint communique ng ASEAN laban sa China

NGAYON lang sa loob ng 45 taon  walang inilabas na communique ang ASEAN sa isang pagpupulong, patunay na mas gumulo ang sitwasyon kaysa mapahupa ang tensyon  na namamagitan sa mga bansang umaangkin sa West Philippine Sea.

Ayon sa kalatas ng Department of Foreign Affairs,  tinutulan ni Cambodian Foreign Minister Hor Namhong ang panukala ng Pilipinas na maglabas ang ASEAN ng joint statement  laban sa panghihimasok ng China sa soberenya ng bansa, dahil lumalabas na madadamay ang ibang bansa ng ASEAN sa hinaing ng Pilipinas.

Umalma naman ang Pilipinas sa posisyon ng Cambodia na tila pumapabor sa kaalyadong Beijing.

Dahil dito nadismaya ang ilang miyembro ng ASEAN kaya walang kinahinatnan ang nasabing pagpupulong na ginanap sa Phom Penh.

Natapos ang foreign ministers meeting na bigo at dismayado partikular ang Pilipinas dahil di nito nakuha ang inaasam na joint communique ng ASEAN laban sa panghihimasok ng China sa rehiyon.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply