Pinas di susukong magpasaklolo sa ASEAN

PATULOY pa ring makikipag-ugnayan ang Pilipinas sa mga bansang kapwa miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), sa kabila ng kabiguang mabigyang resolusyon ang namamagitang territorial disputes sa West Philippine Sea.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, mataas pa rin ang kumpiyansa ng Pilipinas na mapaplantsa ang gusot sa pagitan ng mga bansang umaangkin ng karapatan sa nabanggit na teritoryo.

“The Philippines will continue to work with ASEAN member countries on the Code of Conduct. And hopefully we will be able to hammer out some of the contentious issues that were discussed in the past forum,” ayon sa opisyal sa isang panayam.

Nauna rito, hindi naitago ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario ang pagkadismaya sa kabiguan ng ASEAN na mag-isyu ng joint statement hinggil sa mahalagang usapin.

Tinuran ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario, hindi nito maintindihan ang pagmamatigas ng Cambodia na host country sa meeting para hindi masama sa draft ng statement ang usapin ng Scarborough Shoal kahit isang paragraph o pangungusap lang.

Aniya, ilang bansang kasapi ng ASEAN at ang secretariat ay sumuporta sa posisyon ng Pilipinas.

Siniguro naman ng opisyal na walang epekto sa relasyon ng bansa at Cambodia ang nangyari sa ASEAN meeting.

“The Philippines merely wanted the fact that discussions on Bajo de Masinloc took place to be reflected in that communiqué,” ayon kay Usec. Valte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply