Pinas lilisanin na ng dinukot na Irish missionary

UUWI na sa Ireland ang Irish missionary na dinukot ng mga armadong lalaki sa Pagadian City noong 2009 kasunod ng kanyang pagreretiro sa puwesto.

Nabatid na nagdaos na si Fr. Michael Sinnott ng despedida sa Malate Church nitong Martes para sa kanyang pag-alis bukas (Biyernes, Hulyo 20).

Nais umano ni Sinnott na magretiro sa Ireland na kanyang lupang sinilangan, ngunit malaking bahagi ng kanyang puso ay iiwanan niya sa Pilipinas.

Inamin ni Sinnott na isang mahirap na desisyon ang ginawa niya nang magpasyang umuwi sa kanyang sariling bansa at tuluyan nang hindi bumalik sa Pilipinas ngunit natitiyak naman umano niyang tama ang kanyang pasya.

Naniniwala si Sinnott na wala na siyang misyon pa para sa Pilipinas ngunit marami pa aniya siyang magagawa para sa kanyang sariling bansa.

“It really was a very difficult decision to make. I realized that I’m going home and not going back but I still think I made the right decision that there is really nothing more I can do here in Manila than there’s more I can do at home,” ayon pa kay Sinnott.

Sinabi naman ni Sinnott, na nagsilbi sa Mindanao sa ilalim ng Society of St. Columban, na sa kabila ng kanyang paglisan ay hindi niya kailanman malilimuntan ang mga taong nakilala niya sa Pilipinas.

Si Sinnott ay dinukot ng mga armadong lalaki mula sa kanyang tahanan sa Pagadian City noong Oktubre 11, 2009 at sa kabila ng seryosong kondisyon ng kanyang puso ay pinilit na palakarin sa kabundukan bago pinalaya sa Zamboanga City matapos ang isang buwan.

Matapos ang insidente ay inilipat si Sinnott sa Columban’s regional house sa Maynila at hindi na muli pang itinalaga sa Mindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply