Pinay na tumalon sa building, gusto na umuwi

HINILING ni Senador Manny Villar sa Department of Foreign Affairs ang kagyat na pagpapauwi sa Pinas sa isang Pinay domestic helper para matulungan ng kanyang mga ka-anak sa pagpapagaling.

Ayon kay Villar, humingi ng tulong ang pamilya ng biktimang si Dianna Lalaine Castillo sa kanyang tanggapan para mapabilis ang pagpapauwi ng ka-anak.

Si Castillo ay kasalukuyang tumitigil sa Filipino Workers’ Resource Center (FWRC) ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) matapos pauwiin ng Prince Hamza Hospital kung saan siya ginamot sa bone fractures matapos mahulog sa apartment ng employer.

“Ms Castillo’s family is seeking assistance for her immediate repatriation so she can continue her treatment in the country with her family to nurse her,”   ayon sa tanggapan ni Villar.

Dalawang buwan pa lamang si Castillo bilang domestic helper sa Jordan. Dumating sa Jordan si Castillo noong nakaraang Marso 30, 2012 at nagtrabaho bilang domestic helper.

Ngunit matapos ang dalawang buwan, noong Mayo 30, 2012, isinugod siya sa naturang ospital sanhi ng nagkabali-baling buto matapos tumalon sa ikatlong palapag ng gusali upang takasan ang pananakit ng kanyang amo.

Napag-alaman na sinasaktan si Castillo ng kanyang amo sa pamamagitan ng paghampas ng barb wires halos araw-araw kaya humingi ng tulong ang pamilya nito sa mambabatas.

Tiniyak naman ni Foreign Affairs Undersecretary for migrant workers Esteban Conejos na ang kaso ni Castillo ay inaasikaso na ng embahada. “Her case is being handled by the Embassy’s legal counsel, Atty. Ghazi Al Odat, who filed a case against her employer who physically abused her,” ayon kay Conejos sa kanyang liham kay Villar na may petsang Hulyo 16, 2012.

Hindi binanggit ni Conejos ang pangalan ng employer pero tiniyak na kumikilos ang embahada sa Jordan upang papanagutin ang recruitment agency ng biktima para mapauwi kaagad ang naturang OFW.

“The Embassy’s Assistance to Nationals (ATN) team, in coordination with POLO, is compelling her recruitment agency in Jordan to provide her with a return ticker to Manila so that she could be repatriated as soon as possible,” ayon kay Conejos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply