Pinay ginawaran ng parangal ng Santo Papa

BINIGYAN ng parangal ni Pope Benedict XVI ang isang Pinay dahil sa masigasig nitong pagsusulong ng ispiritwalidad, dignidad at karapatan ng mga kababaihan.

Ang mga opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang nagkaloob ng papal award ng Cross “Pro-Ecclesia et Pontifice” medal kay Dr. Zenaida Rotea, sa isang seremonya nitong Linggo.

Pinangunahan nina CBCP president at Cebu Archbishop Jose Palma at Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez ang pagbibigay ng parangal na ginanap sa Santa Maria Goretti Parish sa Maynila nitong Linggo.

Nabatid na ang naturang medalya ay ipinagkakaloob sa mga tao na nakapagbigay ng masigasig at outstanding na serbisyo sa simbahan.

Si Rotea ay matagal na umanong volunteer at leader ng women empowerment at dating executive secretary ng Office on Women ng CBCP na nangunguna sa kampanya ng simbahan laban sa pang-aabuso sa mga kababaihan.

Isa sa mga mahahalagang naging kontribusyon ni Rotea ay ang pagiging instrumento nito sa pagkakatatag ng women’s desk sa iba’t ibang diocese para sa counseling ng mga biktima ng karahasan, rape, incest at sexual harassment.

Pinangunahan rin niya ang pagtatatag ng Catholic Initiative for Enlightened Movie Appreciation (CINEMA) noong taong 2000 na nagsusulong sa masusing pagsusuri ng mga pelikula ayon sa values at tradisyong Kristiyano.

Nire-review ng CINEMA ang mga pelikulang ipinalalabas sa Pilipinas at ipinamamahagi ang mga ito sa media, paaralan, mga simbahan at mga komunidad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply