Pinoy boxer abanse na sa men’s lightflyweight sa London Olympics

ABANSE na sa round of 16 sa men’s lightflyweight under 49 kilograms division ang Filipino boxer na si Mark Anthony Barriga makaraang pulbusin ang Italian boxer na si Manuel Cappai sa London Olympics.

Tinalo ni Barriga si Cappai sa iskor na 17-7 kung saan kanyang dinomina ang kabuuan ng tatlong rounds.

Ang sunod na makakalaban ni Barriga ay ang mananalo sa pagitan nina Birzhan Zhakypov ng Kazahkstan o Jeremy Beccu ng France.

Si Barriga ay naging quarter-finalist sa 2011 World Championships sa Azerbaijan.

Tumatayong coach ni Barriga ay ang dating Olympic bronze medalist na si Roel Velasco.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply