Pinoy kabilang sa nabaril sa ‘Batman’ US screening

KABILANG ang isang Pinoy na nabaril at nasugatan sa masaker sa isang sinehan noong nakaraang Biyernes sa Aurora, isang suburb sa lungsod ng Denver, Colorado, USA.

Ang biktimang si Ryan Lumba, 17-anyos ay nanonood ng “The Dark Knight Rises,” kasama ang kanyang mga kaibigan sa Century 16 theater, nang ratratin ng isang nakamaskarang lalaki ang ilang dosenang moviegoers sa premiere night ng Batman movie.

May 12 katao ang namatay habang 40 naman ang nasugatan.

Sinabi ng nanay ni Lumba na si Remy, sa ABS-CBN’s Balitang America na ang kanyang anak ay tinamaan sa tiyan at isinailalim na sa isang surgery.

Sinabi ni Lumba na si Ryan ay unconscious at binigyan ng pain medication.

Katatapos pa lamang ni Ryan mula sa Eagle Crest High School sa Aurora at planong mag-enroll sa Western State College sa Colorado.

Pero ayon sa kanyang nanay, nakadepende pa sa kondisyon ng anak ang  pag-e-enroll nito sa kolehiyo.

Pagpapahingahin muna nila ang biktima bago isabak ulit sa pag-aaral.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply