Pinoy na dinukot sa Kenya, na-rescue sa Somalia

NA RESCUE na ang Pinoy aid worker at tatlo pa nitong kasamahan na dinukot kamakalawa sa isang refugee camp sa Kenya.

Mga tropa ng Somalia ang naka rescue sa mga biktima matapos ang mga itong dinala sa naturang bansa.

Ani Colonel Abdullahi Moalim, Somali military commander,”Our forces have rescued the four aid workers kidnapped from Kenya in an overnight rescue operation.”

Hindi naman nasaktan ang mga biktima at maayos ang kalagayan, ayon sa opisyal.

“They are healthy and unhurt,” dagdag ni Moalim.

Kinilalang ang Pinoy aid worker na si Glen Costes. Kasama ni Costes na dinukot ang mga aid workers mula Canada, Norway at Pakistan ay mga staff ng Norwegian Refugee Council (NRC).

Si Costes ay anak ng dating director ng Admission and Records ng University of Southern Mindanao (USM) na si Dr. Prescilla Costes na residente ng Purok Miracle, Kabacan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply