Pinoy Olympians ipagdarasal ng simbahan

TINIYAK ng Simbahang Katoliko na isasama nila sa kanilang panalangin ang mga atletang Pinoy na kalahok sa London Olympics ngayong Hulyo.

Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, pangulo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), marami ring mabuting ibinabahagi ang mga Filipino athlete tulad ng mga Pinoy na naging santo.

Sinabi ni Palma na ,“As you participate in various games, you share your hopes and dreams for a better world through sports and activities that promote better understanding as brothers and sisters. You share your own belief that sports can make us appreciate our giftedness and our uniqueness.”

“You share the gift of friendship as you recognize and celebrate those who prove faster, stronger, and higher. Share your own prayer for a more lasting peace and for a development with a human face,” aniya pa, sa mensahe niya na binasa isang send-off Mass para sa mga Pinoy athlete kahapon sa Wack-Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City.

Inihalintulad pa ni Palma ang mga atleta kay San Lorenzo Ruiz at kay Blessed Pedro Calungsod, na ika-canonize na sa Oktubre, dahil kung nag-uwi umano ng korona ang mga naturang martir ay maaari ring magbigay ng karangalan sa bansa ang mga atleta sa pamamagitan nang pag-uuwi ng medalya.

“In both cases of our Filipino saints, San Lorenzo Ruiz, and soon San Pedro Calungsod, sharing meant shedding their blood in martyrdom.  The martyrs bring home the crown. May you bring home medals,” aniya pa.

Ang Blessed Pedro Calungsod National Committee ang nag-asikaso para mabasbasan ang mga Olympians sa ika-canonize na santo.

Pumayag naman ang Philippine National Olympic Committee na dalhin si Calungsod bilang kanilang intercessor sa Olympic Games.

Samantala, pinapurihan naman ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle ang mga atleta dahil sa pagdadala ng banner ng bansa at ni Calungsod.

Aniya, sa pamamagitan nito ay kinikilala umano ng mga atleta ang inspirasyon na ibinigay ni Calungsod sa lahat, partikular sa mga kabataan kung paano isabuhay ang katapangan at commitment.

Nabatid na 11 Filipino athletes ang nagkuwalipika para sa London Games na kinabibilangan nina trackers Marestella Torres at Rene Herrera, boxer Mark Barriga, swimmers Jasmine Alkhaldi at Jessie Lacuña, shooter Brian Rosario, weightlifter Hidilyn Diaz, BMX rider Daniel Caluag, Judoka Tomohiko Hoshina, at mga archer na sina Mark Javier at Rachel Cabral.

Humihiling rin ang mga atletang ng panalangin at suporta mula sa mga Pinoy para sa kanilang pakikipagkompetensya sa pinakamalaking sporting event sa buong mundo ngayong Hulyo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply