Pinoys sa Syria pinalilikas habang maaga

NANAWAGAN si Vice President Jejomar Binay sa mga Filipino na nasa Syria na lumikas na at umuwi sa Pilipinas habang may pagkakataon pa.

Ang panawagan ni Binay ay sa harap  ng lumalalang kaguluhan sa lugar kung saan daan-daan na ang namamatay dahil sa mga demonstrasyon.

Ayon sa Pangalawang Pangulo, ang sinumang Pinoy worker na ibig bumalik sa bansa ay maaaring magtungo at magpasaklolo sa Philippine embassy na nasa Damascus.

Batay sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), tinatayang nasa 9,000 Filipino na ang  nasa naturang bansa, na nakabase sa Damascus, Homs, Aleppo, Daraa at Idlib.

Pero mula sa datos ng Commission on Filipinos Overseas (CFO), aabot na sa 24,004 Filipinos ang namamasukan sa Syria.

Tinatayang 10,000 sa mga ito ay undocumented o may problema sa mga papeles at sinasabing pumasok sa Syria sa ilegal na pamamaraan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), makikipag-ugnayan sila sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine National Police (PNP) para pagtulungan ang repatriation lalo na sa mga lugar na inilagay na sa crisis alert level 4.

Ang nabanggit na hakbang ng DFA ay kasunod ng pagkakapatay sa Defense Minister ng Syria na bayaw ni President Al-Assad.

Kaugnay nito ay nangako ang DFA na pipiliting mapauwi ang mga naipit na Pilipino sa kabila ng mataas na singil ng mga employer kapalit ng exit visa na umaabot sa 10,000 dollars.

Sa kabuuan, mayroon ng 1,775  Pinoy ang nailikas palabas ng Syria mula nang ipatupad ang mandatory repatriation noong December 2011 dahil sa nagpapatuloy na karahasan doon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply