Pirates sisakwat ng unang panalo

LUBOG ang Lyceum of the Philippines Pirates matapos ang tatlong laro kaya naman nais nilang piratahin ang unang panalo laban sa Emilio Aguinaldo College Generals alas-sais bukas ng gabi sa nagpapatuloy na 88th season ng NCAA senior men’s basketball tournament na gaganapin sa The Arena San Juan.

Sasandal ang Pirates kina veterans Chris Cayabyab, Floricel Guevarra at Jhygruz Laude upang hablotin ang panalo at makasama na sila sa win column.

Galing din sa kabiguan ang Generals ng pasabugin sila ng Jose Rizal University Heavy Bombers, 79-90 noong Huwebes sa nasabing venue.

May kartang 1-1 win-loss slate ang Generals habang bokya sa tatlong laban ang Pirates.

Tangan din ng Knights ang 1-1 record habang ang katunggaling Chiefs ay bokya naman sa dalawang salang.

Samantala, nagsosolo sa top spot ng team standing Heavy Bombers sa kartang 3-0 matapos tumikada ng 30 puntos, tatlong rebounds at dalawang steals si Nat Matute sa laban nila sa Generals.

Nakontrol ng Heavy Bombers ang laban nila ng ilista, 44-35 bentahe sa first half.

Dumikit ang EAC sa pagtatapos ng third canto, 60-57 subalit maraming baong bomba ang JRU at naitakas nila ang panalo upang itarak nila ang kanilang best start simula noong 2009.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply