Piskal na nag-abswelto sa pulis, kinasuhan

KASONG administratibo ang kinakaharap ngayon ng isang piskal matapos nitong iabswelto ang isang pulis na nahuling gumagamit ng iligal na droga.

Ang kaso laban kay Camiguin Chief Prosecutor Alma Pareño ay isinampa ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency sa tanggapan ng Regional State Prosecutor’s Office.

Ito’y may kaugnayan sa pag-abswelto ni Pareño sa isang pulis na miyembro ng Camiguin PNP na si PO2 Teotimo Vallar na nahaharap sa kasong paglabag sa republic act 9165, Section 5 matapos na mahuli sa aktong gumagamit ng iligal na droga.

Una rito, may lumabas na report na inabswelto umano ni Fiscal Pareño si PO2 Vallar sa kaso dahil marami itong mga kamag-anak na nagtatrabaho sa Hall of Justice at Court of Appeals.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply