P1 rollback sa lpg, ipatutupad bukas

MULING magpapatupad ng price rollback ang mga independent player na miyembro ng Liquifed Petroleum Gas Marketers Association o LPGMA.

Kinumpirma ito ni LPG-MA Partylist Rep. Arnel Ty.

Sinabi ni Ty na magiging epektibo bukas (araw ng Biyernes), ang pagbabawas ng P1 sa kada kilo o P11.00 sa bawat tangke ng cooking gas.

Ayon pa kay Ty, ang bawas-presyo sa kanilang LPG ay bunsod pa rin ng pagbaba ng contract price nito sa pandaigdigang merkado.

Nauna nang tiniyak ni Tty na may serye ng price rollback sa LPG ngayong Hulyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply