Piyansa ni ex-PGMA nirerespeto ng Malakanyang

NIRERESPETO ng Malakanyang ang naging desisyon ng Pasay Regional trial Court Branch 112 na payagang makapagpiyansa si dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa kasong electoral sabotage na kinakaharap nito.

Ayon kay Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda, natutuwa sila na makalalabas na ang dating Pangulo.

Sinabi rin ni Lacierda na naghahanda rin ang Malakanyang sa panibagong progreso sa nasabing kaso.

Tahasan namang sinabi ni Lacierda na hindi maituturing na dagok sa Palasyo ang pansamantalang paglaya ng dating Pangulo.

Aniya, mayroon pang dalawang kaso na kinakaharap ang dating Pangulo na ang isa ay nakahain sa Sandiganbayan at ang Hold Departure Order na inihain ng Ombudsman at ang kaso na isinampa ng Commission on Elections.

Ipinauubaya na umano nila ito sa Comelec at Ombudsman.

 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply