Piyansa ni GMA ipepetisyon ng Comelec

ISANG motion for reconsideration ang inihain ng Commission on Elections (Comelec) sa naging desisyon ni Pasay Regional Trial Court (RTC) Branch 112 Judge Jesus Mupas na makapagpiyansa si dating pangulo at Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa kasong electoral sabotage.

Kaninang 4:15 ng hapon nang dalhin ng liaison officer ng Comelec sa hukuman ang naturang mosyon.

Nakapaloob sa mosyon na marami pang nakatakdang iharap na testigo ang prosekusyon upang mapalakas ang pagdadawit kay Ginang Arroyo sa umano’y dayaan noong 2007 elections at mabawi ang pagpiyansa nito.

Nakatakdang dinggin sa Hulyo 30, alas-9:00 ng umaga ang mosyon.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply