Pizza Hut hinoldap, P.1 milyon natangay

HINOLDAP ang isang sangay ng fastfood chain ng riding in-tandem at natangayan ng mahigit  P .1 milyon halaga ng pera  sa Quezon City kaninang umaga Hulyo 29,2012 (Linggo).

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District station 2 Masambong, hinoldap ang isang sangay ng Pizza hut sa kahabaan ng Congressional  Avenue, Brgy. Ramon Magsaysay, QC dakong 10:38 ng umaga kanina.

Sinabi ni PO3 Antonio Montero dalawang lalaki na nagpanggap na kostumer ang pumasok sa naturang food chain at agad tinutukan ng baril ang mga empleyado ng naturang establisyemento.

Ayon pa sa ulat, inutusan ng mga suspek na pawang naka suot ng cup ang manager ng food chain na si Avelino Sta Ana na buksan ang vault ng establisyemento at saka nilimas ang pera nito na nagkakahalaga ng P 101,455.25 na dalawang araw na benta.

Matapos isagawa ang krimen tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo patungo sa Mindanao Avenue.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply