Planong dagdag singil sa SSS, tinututulan

TINUTUTULAN ni Bayan Muna congressman Teddy Casino ang planong pagtaas ng premium sa Social Security System (SSS) ng hanggang labing-isang porsyento sa katapusan ng taon.

Ayon kay Casino, dapat dagdagan muna ang kakarampot ng maraming mga retiradong manggagawa bago pa mag-isip ng anumang dagdag singil.

Dagdag ng mambabatas, hindi nakakabuhay ang P1,200 pensyon kada buwan ng miyembrong nagbayad ng sampung taon.

At kahit ang natatanggap ng mga myembro nagbayad ng dalawampung taon na P2,400 ay sadyang kapos, ani Casino.

Ang Bayan Muna ang may akda ng House Bill 4365 na layong itaas ang pensyon ng lahat ng myembro ng SSS ng pitong libong piso kada buwan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply