Plastic bags ipagbabawal na rin sa Maynila

ISINUSULONG na rin ng konseho ng lungsod ng Maynila ang panukalang batas na magbabawal sa paggamit ng plastic bags na nagiging sanhi ng mga pagbaha tuwing tag-ulan.

Ang naturang panukalang batas ay nakapasa na sa una at pangalawang pagbasa ng Konseho at pagbobotohan na rin ito para sa third at final reading.

Sinabi ni Manila City Vice Mayor Isko Moreno na malaki ang tiyansang maipasa ang naturang panukalang batas dahil ito ang pangunahing sanhi ng mga pagbaha sa Kalakhang Maynila kapag bumara sa mga estero at kanal.

Isusumite naman sa tanggapan ng alkalde ang ordinansa para agad na maisabatas.

Magugunitang, ilang siyudad na rin tulad ng Makati at ilang probinsya na ang nagpapatupad ng naturang ordinansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply