‘Play station mentality’ sa Scarborough wag pairalin

PINAGHINAY-hinay ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz si Pangulong Benigno Simeon Aquino III at mga spokesperson nito sa kanilang pagsasalita laban sa bansang China hinggil sa pinag-aagawang Scarborough Shoal.

Nangangamba si Cruz na  sa halip na makabuti ay baka lalo pang palalalain ng Pilipinas ang tensyon dahil sa mga patutsada ng Pangulo sa Chinese government.

Sinabi pa ni Cruz na hindi dapat pairalin ni PNoy ang “play station mentality” dahil walang laban ang bansa sa China kung giyera ang pag-uusapan at  wala ring katiyakan kung hanggang saan ang tulong na ipagkakaloob ng Amerika sa bansa.

Binigyang-diin pa ng pangulo na sa halip na magsalita laban sa China, mas makabubuting isulong na lamang ng pamahalaan ang silent diplomacy. Iginiit rin ng arsobispo na sakaling magkagulo ay wala namang ibang maaapektuhan at madadamay kundi ang mga ordinaryong mamamayan, Filipino man yan o mga Intsik.

“Yang pag-iingay ni PNoy at kanyang mga tagapagsalita laban sa China ay makakadagdag yan sa tensyon. Kung makaasta tayo ang tapan natin e na para bang mayroon tayong ipagmamalaki laban na armas pandigma ng Tsina,” ayon kay Cruz, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

“Huwag sana pairalin ni PNoy ang ‘play station mentality.” Pag may kaaway sasagupain mo pag natalo ka magko-call-a-friend ka?  Ganun?  Sa halip na magsalita ng magsalita, mas mabuting tahimik na lang na isulong natin ang diplomasya sa China,” aniya pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply