PLDT bulok

BUONG career nang iniiwasan ng Free Spits na maging personal ang ating kritisismo. Kadalasan ‘yung mga hindi tayo related o nakadikit ang ating pinupuna o di kaya ay national interest para manatili tayong unbiased.

Pero pag ang isang national service provider ng basic service tulad ng telecommunications ay may dalawang linggo ka nang niloloko, medyo parang dapat yata ay punahin na sila nang harapan.

Bulok po talaga ang serbisyo ng PLDT. Mula sa pagpapadala ng mga bills natin hanggang sa madaliang pagputol ng linya at ang napakabagal na pagkabit nito pag nakabayad ka na at lahat ng dagdag-bayad sa serbisyo nila.

Sa napakahabang panahon ay kliyente po ako ng PLDT.

Minsan kong isinama ang Bayantel sa serbisyo sa tahanan ko dahil sa trabaho ko sa ABS-CBN, pero nang kailangan nang magbawas ng gastos, inisip ko mas mabuti na ‘yung mas matagal.

Mali ako sa desisyon ko. Nitong nakaraang tatlong buwan lamang, dalawang beses akong pinutulan ng PLDT dahil hindi raw ako nakababayad ng bills ko.

Nagtataka ako dahil ang alam ko ay bayad ako.

‘Yun pala, nang suriin ko ang mga binabayaran ko, huli ang billing ng isa o dalawang buwan. Ipinaalam ko ito sa PLDT para naman ayusin ng courier nila ang serbisyo pero hindi daw nila problema ‘yun.

Nang ipinakakabit ko na ang linya ko, 48 hours daw ikakabit na ang linya. 4 days bago naikabit ang linya ko sa telepono.

Pero may internet service ako sa kanila na DSL ang tawag. ‘Yun din daw 48 hours, 6-days na wala pa rin akong linya.

Ang sagot ng call center, nag-report na raw sila at i-monitor na lang namin within 24 hours. 2 days na po wala pa ring internet connection kaya sa internet café ko ginagawa itong column na ito.

Pag naikabit na nila ito, tulad ng naunang beses tiyak na tatagain naman nila ako ng reconnection fee na halos isang-libong piso, para sa serbisyong hindi dumating sa tahanan ko.

Kagagaling ko sa America kung saan hindi man ako natutuwa tumira, bilib ako sa serbisyo nila roon. Isang tawag lang at may darating within isang oras para ayusin ang problema mo.

Kapag nainis ka sa AT&T lipat kang Verizon nang walang hirap at bayad.

Kapag palso pa rin, meron pa ring Sprint at marami pang iba. Nahihiya sila kapag sablay ang serbisyo nila na hindi ka nila pagbabayarin sa palpak na serbisyo.

Dito sa PLDT, nagbayad ka na sa palpak na serbisyo, hindi na darating sa tamang oras at pangako nila, sila pa ang may lakas ng loob na singilin ka ng reconnection fee sa serbisyong hindi mo naman nagamit ng dalawang lingo.

Opo buong buwan po ang babayaran natin kasama ang reconnection fee sa ganitong sitwasyon. Ngayon, paano ka naman matutuwa sa PLDT? Di ba PLDT bulok talaga?

Email reactions at ira_p@hotmail.com

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply