Plumber, nakuryente habang nagta-trabaho sa US Embassy

MASUSING iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District-Homicide Section ang pagkamatay ng isang 30 anyos na electrician matapos umanong makuryente at hindi inatake sa puso sa loob ng US Embassy sa Maynila.

Ayon kay PO3 Henry Navarro, lumalabas sa death certificate ng biktimang si Ronnie Senon ,28, tubong Zamboanga del Norte na heart attack ang ikinamatay nito.

Gayunman, duda ang kaanak nito kaya dumulog si Joel Senon, kapatid ng biktima sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) upang ma-autopsy ang bangkay ng biktima.

Nabatid na naganap ang insidente kahapon ng umaga sa ginagawang struktura sa US Embassy kung saan sinabi ni Joel na nakoryente ang kanyang kapatid habang nagta-trabaho at hindi inatake sa puso.

Gayunman, hinihintay pa ng MPD-hs ang resulta ng awtopsiya para makapagdesisyon kung papanagutin ang contractor gumagawa ng mga struktura sa loob ng US Embassy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply