Plunder vs CGMA, walang ebidensya

MINALIIT ng kampo ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang plunder case na inihain ng Office of the Ombudsman laban sa kanya sa Sandiganbayan.

Ito ay ukol pa rin sa diumano’y pag-waldas sa intelligence funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.

Binigyang diin ni Atty. Ferdinand Topacio, isa sa abogado ni CGMA na wala raw matibay na ebidensya ang Ombudsman na nakinabang ang dating presidente mula sa nasabing anomalya.

Maaari, aniyang, na-divert ang pera, na nag-kakahalaga ng P366 milyon subalit lahat ng pondo ay inalaan bilang blood money para sa mga overseas Filipino workers nahaharap sa iba’t ibang kaso sa abroad.

Sakaling man, aniya, na mai-deklarang guilty si Arroyo, sa kasong ito ay maaari lamang sa aspetong ‘technical malversation’ na mababaw lamang ang parusa.

Ipinaliwanag ng abogado na batay sa saligang batas, ang technical malversation may katapat na anim na buwan hanggang anim na taong pagkakakulong, at multang kalahati sa perang misappropriated.

Sa kabila nito, sinabi ni Topacio na ipapaubaya na lamang nila sa korte ang pag-papasya sa nasabing plunder case.

Samantala, nilinaw ni Topacio na walang katiyakan kung mag-tutungo ngayong araw si Arroyo sa mababang kapulungan, pero nauna nang sinabi ni Elena Bautista-Horn na may schedule ang dating pangulo sa VMMC para sa regular nitong physical therapy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply