PMA bukas na sa mga kadeteng bading

BUKAS na ang pamosong Philippine Military Academy (PMA) sa Fort del Pilar, Baguio City sa pagpasok ng mga kadeteng bading.

Ito ay kasunod ng pag-amin na may mga bakla o homosexual nang nakalusot sa kanilang screening at naka-graduate pa sa PMA.

“Ang masasabi po natin ay hindi po tayo tumatanggi run kaya ganun pa rin yung kulturang Pilipino na hindi tuwirang very acceptable na, so nasa transition din ang Philippine society so ganun din po ang kuwan sa PMA, hindi natin sasabihin na bawal, hindi ganun, hindi pinagbabawal yan, hindi po pinagbabawal,” ayon kay PMA Superintendent Nonato Peralta.

Subalit nilinaw din ni PMA Spokeswoman Capt. Agnes  Flores na talagang hindi pinagbabawal dahil maaakusahan sila ng diskriminasyon lalo na sa hanay ng mga homosexual.

Pero mariing sinabi ni Flores na makapasok man sila, kailangang matagalan nila ang pagsasanay o kusa silang lumabas  at higit sa lahat ay kailangan nilang umasal at kumilos na gaya ng mga kadete.

Magugunitang may mga ulat hinggil sa ilang PMA na umanoy inaakusahang bading kung saan isang battalion commander pa ang sinibak matapos ibulgar ng kanilang strikers at mga aplikante na pinupuwersa silang  makipagtalik nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply