PNoy: De Lima mananatili sa DOJ

NANANATILI pa rin ang posisyon ni Pangulong Benigno Aquino III na manatili sa Justice Department si Secretary Leila de Lima.

Inamin ni Pangulong Aquino na iyon ang inisyal na preperensiya niya kay Sec. de Lima sa kabila ng pagtanggap ng Kalihim ng nominasyon bilang susunod na Chief Justice ng Korte Suprema.

Sinabi ng Chief Executive  na hinihintay pa rin niya ang listahan na manggagaling sa JBC na pagpipilian nya ng itatalaga sa posisyong iniwan ni dating SC Chief Justice Renato Corona.

“Well, ang hirap sagutin ‘yan dahil wala pa sa akin ‘yung listahan na galing sa JBC. By the Constitution, I can only choose from the list that JBC has submitted. So sasabihin ko type ko ito baka naman may magsabing interfering with the JBC. ‘Pag hindi ko naman sinagot sasabihin niyo wala pa akong naiisip. Wala yatang tamang sagot diyan sa tanong na ‘yan,” ayon kay Pangulong Aquino.

Sa ulat, wala namang ideya ang Malakanyang kung saan nanggaling ang kumpiyansa ni Justice Sec. Leila de Lima kaugnay sa kanyang nominasyon sa pagiging chief justice.

Matatandaang kampanteng inihayag ni De Lima na malakas siyang contender sa posisyon at magandang alternatibo sa pagtataguyod ng reporma sa hudikatura.

Kumpiyansa ring inihayag ng kalihim na noong una ay nag-aalanganin siya, pero nagdesisyong tanggapin ang nominasyon matapos makausap ang Pangulong Benigno  Aquino III.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, sariling desisyon ito ng kalihim na kanilang iginagalang.

Aniya, hindi nila masabi kung ano ang pinag-usapan ng dalawa bagama’t alam nilang kuwalipikado naman si De Lima sa puwesto.

Sinabi pa ng opisyal, hindi pa naman tiyak na makakasama si De Lima sa shortlist na pagpipilian ng Pangulo dahil dadaan pa ito sa screening ng Judicial and Bar Council (JBC).

“I would not venture an opinion primarily because she has admitted that she did spend some time thinking about it.  She has admitted herself that she has been considering the nomination and, you know, she has accepted,” ang pahayag ni Usec. Valte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply