PNoy di mapapanood ang Bourne Legacy

WALANG pagkakataon si Pangulong Benigno Aquino III na mapanood pa ang premiere ng Bourne Legacy kahit pa ang ibang scenes ng pelikula na kinunan sa Metro Manila.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, bagamat sa Agosto 5 pa ang showing ng naturang pelikula ay hindi siguradong makakapanood ang Chief Executive dahil sa dami ng trabaho nito.

“I will have to check po. The President normally wala na po kasing pagkakataon ang Pangulo na manood po ng mga premiere at ng mga sine. So tingnan ko po—I cannot say at the moment. I will have to ask him if he has any intentions,” ayon kay Usec. Valte.

Iyon nga lamang, inaasahan ng Malakanyang na makakahikayat ng mas maraming turista ang nasabing pelikula sa oras na maipalabas na ito sa bansa.

Aniya, pinro-promote ng Department of Tourism ang pelikula sa mga turista mula sa South Korea.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply