PNoy, DOLE, kinalampag ng mga manggagawa

NAGPIKET ngayong umaga ang mga mangagawa sa tanggapan ng Department of Labor and Employment  (DOLE) sa Intramuros, Maynila upang kondenahin ang pagpapatupad ng new wage system.

Layunin din ng kilos protesta na kalampagin ang administrasyon Aquino sa  pagbabawas ng sweldo ng mga manggagawa sa bansa.

Hiling ng mga manggagawa na pinangunahan ng grupong Kilusang mayo UNO (KMU) ang pagbasura sa Two-Tiered Wage System na kasalukuyang ipinatutupad sa Metro Manila, Southern Tagalog at Cordillera Autonomous Region  alinsunod sa “floor wage fixed” ng regional wage boards na batayan ng “government poverty threshold computations”.

Sa Southern Tagalog, ang floor wage na itinakda ng regional wage board ay mas mababa kumpara sa kasalakuyang minimum wage habang sa CAR, ang floor wage at sa pagitan ng kasalukuyang minimum wage levels.

“Instead of giving workers a much-deserves and long-delayed significant wage hike, Pres.Aquino is cutting and freezing workers wages. The Two-Tiered wage system is an anti-worker scheme that will cut workers minimum wages and freeze wage levels,’ ayon kay Roger Soluta, KMU secretary-general.

“We want this new wage system junked as soon as possible.It will further fragment the country’s minimum wage, making the regionalization of minimum wages even worse”, dagdag pa ni Soluta.

Sa piket, sinunog ng mga rallyista ang imahe ng Pangulo at ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na may nakasulat na “Kontra-mangagagawa, protektor ng tubo ng kapitalista (Anti-worker,protector of capitalists profits)”.

Ang wage scheme na itinakda bilang second tier productivity-based wage levels  kung saan voluntarily fix sa mga kompanya.

“We vow to intensify our protests against the Aquino government ‘s campaign to further press down the value of Filipino labor. We will show our anger at Pres.Aquino’s anti-worker and anti-poor policies in his third SONA”, ani ni Soluta.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply