PNoy dumalaw na rin sa wakas sa burol ni Pidol

NATULOY na rin sa wakas ang pagbisita ni Pangulong Benigno Aquino III sa burol ng Comedy King na si Rodolfo Vera Quizon Sr. sa Heritage Park sa Taguig City kanina.

Eksaktong alas-5:20 nang dumating ang Pangulong Aquino sa burol.

Sinalubong ng common-law-wife ni Dolphy na si ZsaZsa Padilla ang pangulo.

Ilang minutong tumigil ang Pangulong aquino sa harap ng kabaong ng Comdey King, nag-alay ng panalangin kasama sina DoTC Sec. Mar Roxas at DILG Sec. Jesse Robredo.

Pagkatapos ay muling kinausap si Ms Padilla at matapos ang sandaling kuwentuhan ay binati naman ng Pangulong Aquino ang iba pang kamag-anak ni Dolphy.

Hindi naman nagtagal ang Pangulong Aquino sa burol dahil agad siyang bumalik ng

Malakanyang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply