PNoy kinalampag ng pro-RH bill

DAHIL sa pagtaas ng bilang ng maternal mortality ratio sa bansa, kinalampag ngayon ng mga miyembro ng Reproductive Health Advocacy Network (RHAN) si Pangulong Benigno Aquino III para sa agarang pagpasa ng Reproductive Health bill.

Kaninang umaga, nag-rally ang naturang grupo sa Plaza Miranda sa Maynila upang ipaalala kay Pangulong Aquino ang pangako nito na maipasa  ang nasabing panukalang batas.

Ayon kay Dr. Junice Melgar, sa pinakahuling family health survey, umakyat sa 221 ang maternal mortality ratio sa bansa.

Ito ay sa kada 1,000 buhay na ipinapanganak noong 2011 kung saan mas mataas ito kumpara noong 2006 na may 162 lamang.

Sinabi ni Dr. Melgar na dapat nang madaliin ang pag-apruba  sa RH bill na dalawang taon nang nakabinbin sa Kongreso.

Sa isinagawang picket, nagsuot ang grupo ng damit na may kulay pula na kaya nagmistulang duguan sila lalo na nang humiga sa plaza.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply