PNoy line-up sobra at ang sipag ni Biazon

SUMOSOBRA pa ngayon ang senatorial line-up ng administrasyon dahil mukhang mas feel ng mga pulitiko na nag-aambisyong pumalaot sa Senado na mapasali sa tiket na iiendorso ni Pangulong Noynoy Aquino.

Kung noong una ay ang United Nationalist Alliance (UNA) nina VP Jojo Binay at dating president Erap Estrada ang maingay sa kanilang mga line-up ay bigla yatang naiba ang ihip ng hangin dahil biglang natameme ang naturang koalisyon matapos magpahayag ang kanilang mga sinasabing kandidato na sasama sa senatorial tiket ni PNoy.

Lumalabas kasi na ang mga taong binabanggit ng UNA sa kanilang line-up ay hindi pa kasal sa alyansang binuo nina Erap at Binay kaya’t mukhang naunsyami ang lahat ng plano ng naturang koalisyon.

Kabilang sa mga senatorial line-up na naunang sinabi ni Binay na sa UNA sasama ay ang mga senador na sina Coco Pimentel, Chiz Escudero, Loren Legarda at Allan Cayetano ngunit matapos ang ilang pagpupulong at pag-uusap sa mga taong inatasan ni PNoy na magbuo ng pambato sa Senado ay biglang napunta sa administrasyon ang mga ito.

Sa kasalukuyan ay ang mga pangalang ito ang lumulutang sa line-up ni PNoy na kinabibilangan nina dating Congresswoman Cynthia Villar, Senator Allan Cayetano, Sen. Antonio Trillanes para sa Nacionalista Party, Sen. Loren Legarda para sa Nationalist Peoples Coalition (NPC), Sen. Chiz Escudero, dating Sen. Ramon Magsaysay, Riza Hontiveros ng Akbayan, Coco Pimentel ng PDP, Sec. Joel Villanueva ng TESDA, Cong. Sonny Angara ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP), isa sa mag-amang Pong at Ruffy Biazon, Cong. Erin Tañada ng Liberal Party at ang pinsan ni PNoy na si Bam Aquino.

Samakatuwid lumalabas na sobra pa ng 1 ang line-up ng administrasyon na talaga namang malakas kung ikukumpara sa UNA dahil may mga pruweba na ang mga ito sa mundo ng pulitika.

Sa maikling salita,naging adelantado ang UNA sa kanilang diskarte na maling-mali sa pulitika dahil ang mundong ito ay laro ng mga taong tuso at magugulang.

###

Panalo talaga ang Bureau of Customs (BoC) kay Ruffy Biazon.
Hindi kasi halos nagpapahinga na ang mamang anak ni Cong. Pong Biazon ng Muntinlupa.

Kung ating pakasusuriin ang kanyang ikinilos o ginawa nitong nakalipas na isang linggo ay talaga namang “work to death” ang komisyoner dahil sunod-sunod ang kanyang ginawang panghuhuli sa mga dorobo sa Aduana.

Magugunitang nasakote ni Biazon ang may P42.5 milyong bigas sa Subic,P15 milyong droga sa Ninoy Aquino Iinternational Airport at P10 milyong sibuyas.

Hindi rin magkamayaw ang accomplishment ni Biazon sa Aduana kaya’t tiyak na nalalapit na ang pagtino ng BoC na talaga namang dating kuta ng mga dorobo na walang hinangad kung hindi magpalusot sa gobyerno.

###

Sa mga nagnanais ng pag-kalinga ng pitak na ito, maaari kayong mag-e-mail sa baran-gayanni_isko@yahoo.com o mag text sa 09336363310.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply