PNoy, mamamagitan sa bangayan ng Comelec at DBM

NAKAHANDANG mamagitan si Pangulong Benigno Aquino III sa bangayan sa pagitan ng Commission on Elections (Comelc) atDepartment of Budget and Managment (DBM).

Ayon kay Pangulong Aquino, hahanapan niya ng kapupunan ang kakulangan sa pondo ng Comelec kaugnay ng bantang pagbibitiw sa pwesto ni Comelec Chairman Sixto Brillantes kung hindi ibabalik ng DBM ang P5 bilyon kinaltas sa P13 bilyon parasa 2013 midterm elections.

Inamin ng pangulo na hindi lingid sa kanya ang bangayan nina Brillantes at Budget Sec. Florencio Abad.

Sinabi rin ni PNoy na handa siyang mamagitan sa sigalot ng dalawa upang maplantsa ang hindi nila pagkakaunawaan.

Sinabi ni Brillantes na malaking tulong sa ahensya kung maibabalik ang P5 bilyon tinapyas na pondo para magamit sa mahahalagang bagay ng komisyon.

Gayunman, sinabi ni Brillantes na kung hindi pagbibigyan ng DBM ang kanilang kahilingan ay magpapasaklolo na ang ahensya sa mga kongresista.

Ayon kay Brillantes, ayaw na niyang bumalik sa mano-manong eleksyon dahil mahabang panahon nila itong pinag-aralan at pinaghandaan.

Sinabi ni Brillantes na mahalaga ang nabanggit na pondo upang matuloy ang automated elections sa 2013.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply