PNoy nagpatawag ng Cabinet meeting

NAGPATAWAG si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na full-Cabinet meeting sa Huwebes para talakayin ang isyu ng West Philippine Sea (South China Sea) at relasyon ng bansa at ng China.

Ayon sa Pangulo, tatalakayin sa nasabing meeting kung pababalikin pa ang mga barko ng Pilipinas partikular na ang barko ng Philippine Coast Guard, sa Scarborough Shoal.

Pag-uusapan din kung dapat hingan ng payo ang kanyang mga adviser.

Sinabi rin ng Pangulo na kulang pa ang Pilipinas sa mga kagamitan para mabantayan ang teritoryo nito.

Nilinaw naman ng Pangulo na hindi dapat maalarma ang China sa ginagawang pagpapalakas ng Pinas sa monitoring at military capability nito dahil wala aniyang kakayahang maglunsad ng pag-atake ang bansa.

Kaugnay nito, nais ni Pangulong Aquino na magkaroon ng US spy planes sa mga pinagtatalunang isla at karagatan.

Pabor din umano siya sa pagkakasa ng mas madalas na joint military exercises para sanayin at hasain ang mga Pilipinong sundalo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply