PNoy umaasang babalik si CGMA sa kulungan

HINDI nawawalan ng pag-asa si Pangulong Benigno Aquino III na babalik sa kulungan si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa isang panayam, sinabi ng Punong Ehekutibo na pinaghahawakan niya ang mabigat na ebidensiya laban sa datng lider sa kasong plunder na kinahaharap nito sa Sandiganbayan na non-bailable kaya’t kumpiyansa siya na hindi magtatagal ay mababalik ito sa kulungan.

“Well, meron pang case pending before the Sandiganbayan, plunder and plunder is not bailable also. So hinihintay natin ‘yung desisyon ng Sandiganbayan. Siguro pwede ko lang idagdag, pagkaintindi ko doon sa desisyon ni Judge Mupas ay walang corroborative, testimonya raw. So tatandaan na natin ang akusasyon, tatlo ang nag-usap, si Ginang Arroyo, si Ampatuan at saka ang nakarinig itong si Mupas. So alangan naman nating isipin na magbibigay ng testimonya ‘yung dalawa laban sa sarili nila. So ang pwede nilang maging testigo isa. Paano kaya tayo magkakaroon ng corroborative—‘yung makakasukob,  makakasang-ayon doon sa ibinanggit na pag-uusap nitong dalawa. So medyo ang taas naman yata ng test na parang imposibleng ma-attain dahil wala na ngang ibang nakarinig nung kanilang usapan tungkol doon sa isyu ng electoral fraud,” paliwanag nito.

Sa ulat, tila taliwas naman ang posisyon ni Pangulong Aquino sa naging pahayag ni Sandiganbayan Spokesman Renato Bocar  kung saan ay pinawi nito ang pangamba ng mga kaalyado ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na agad magpalabas ng warrant of arrest ilang oras lamang matapos itong makalabas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Matatandaang nakabinbin ngayon sa Sandiganbayan First Division ang kasong plunder na inihain ng Ombudsman laban kay Arroyo at sa iba pang akusado sa kasong pagwaldas ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Noong Martes ay naglabas na rin ng hold departure order (HDO) ang anti-graft court laban sa dating pangulo upang hindi na ito makalabas ng bansa at makaharap sa mga nakasampang asunto.

Sinabi ni Bocar na bukas ay magkakaroon ng pagdinig sa motion to defer proceedings na inihain ng kampo ni Arroyo ngunit wala pang katiyakan ukol sa iba pang posibleng maging development ng kaso.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply