PNoy versus ‘Kabayan’ at Crame swak sa iligal

HINAMBALOS ni Pangulong Aquino si dating Vice President Noli de Castro sa kanyang talumpati sa ika-25 anibersaryo ng mismong programa ni Kabayang Noli.

Anim na taon bilang Vice President maliban pa sa pagiging senador ngunit walang nagawa para sa bayan!

Pero may gana pang bumanat sa pamunuan ngayon!

‘Yan, parekoy, ang buod ng harap-harapang patutsada ni PNoy kay Kabayan.

Kung sandamakmak ang mga problemang minana ni PNoy mula sa dating administrasyon, tiyak na kabahagi si Kabayan sa mga ito!

Ano ba ang kanyang nagawa para sa bayan noon?

Oh ha? Oo nga naman, parekoy, nakapuntos si PNoy!

Kaya hayun, tameme si Kabayan. Hak, hak, hak!

Sa isang banda, may mali rin si PNoy. Aba eh, ang gusto kasi nitong mangyari ay bakit hindi raw ang mga positibong nagawa niya ang ibalita sa halip na ang mga negatibo!

Asus, kulang pa ba ang kaliwa’t kanang papuri na ginagawa ng kanyang “Presidential Communications Group?”

Gusto pala ni PNoy na maging mouthwash, este, “mouthpiece”, eh ‘di, sinekreto na lang sana si Kabayan para magkasundo kung magkano. Ehek!

KAYA naman pala malakas ang loob nitong si Louie Laxamana na kalatan ng VK (Video-Karera) ang buong Pampanga dahil may kumpareng kernel na naka-assign sa Camp Crame!

Ito ang ibinulgar ng isang tauhan mismo ni Laxamana, na kahit hindi pumayag si Pampanga Provincial Director S/Supt. Ed Tinio ay wala rin itong magagawa laban sa mga naglipanang VK ni Laxamana.

Kaya obligadong tanggapin na lang ni Col. Tinio ang lingguhang “tara” mula kay Laxamana kesa mapag-initan pa!

Dapat na sigurong silipin, parekoy, ng Crame itong mayabang na tauhan ni Laxamana para mahubaran ng maskara kung sinoman ang opisyal na nasa likod nito.

Isa lang ang tiyak, kung ordinaryo lang ang anino ni Laxamana ay hindi mamumukadkad ang kanyang iligal!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply