PNP: Mga militante, ‘di makaaabot sa Batasan

IPINAHAYAG ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi makararating sa Batansan Complex ang mga militanteng grupo sa idaraos na State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Aquino III sa Lunes, Hulyo 23.

Papayagan ng PNP ang mga militante na magprotesta sa araw ng SONA ng Pangulo ngunit hanggang sa Ever Gotesco lamang sa Quezon City.

Ayon kay PNP spokesman Senior Supt. Generoso Cerbo Jr., ito ang napagkasunduan sa pakikipagdayalogo sa iba’t ibang militanteng grupo.

Binigyang diin ni Cerbo na ito ay upang maging organisado ang araw ng SONA ng Pangulo at para hindi maperhuwisyo ang mga motorista sa gagawing kilos-protesta ng mga militante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply