PNP nagbabala sa sunod-sunod na krimen gamit ang FB

NAGLABAS na ng general warning ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa magkakasunod na krimen na umaatake ang mga kriminal sa mga social networking site partikular na sa Facebook.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., naghahanap ng mga mabibiktima ang mga masasamang-loob gamit ng Facebook.

Pinakahuling biktima na naitala ng PNP ay ang ‘di pinangalanang estudyante na inalok ng modeling job ng kanyang ka-Facebook na humantong sa nakawan.

Nabatid na karamihan sa mga nabiktima ngayon ay mga menor-de-edad kaya naman nanawagan ang PNP sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak sa paggamit ng internet lalo na ang Facebook.

Matatandaang noong nakaraang taon, kabilang sa cyber crime ang actor at director na si Ricky Rivero na sinaksak ng kanyang ka-chatmate sa FB sa Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply