PNP nakaalerto na sa SONA

NAKAALERTO na ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino III mamayang hapon.

Ayon kay Chief Supt. Generoso Cerbo, Jr. patuloy at hindi tatantanan ng PNP ang pagbabantay upang tiyaking magiging mapayapa ang SONA ni Pangulong Aquino.

Patuloy ang monitoring ng PNP sa mga posibleng threat na maaaring makaantala sa ikatlong ulat sa bayan ng Pangulo.

Sinabi pa kay Cerbo, na mahigit na 6,000 mga pulis ang ide-deploy ng PNP para sa naturang okasyon.

Mapayapang protesta hiniling

Nanawagan din ang PNP sa mga raliyista na gawing mapayapa ang mga ikakasa nilang kilos protesta sa SONA mamaya para maiwasan ang karahasan.

Kasabay nito, tiniyak naman ng PNP na igagalang nila ang karapatang pantao ng mga raliyista.

Sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Chief Supt. Mario Dela Vega, na mahigpit nilang pinagbawalan ang pagdadala ng baril ng mga pulis na magbabantay sa kapaligiran ng Batasan habang isinasagawa ang SONA ng Pangulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply