PNP: Pagtugis sa ‘big five’, paiigtingin

PAIIGTINGIN ng Philippine National Police (PNP) ang pagtugis sa Big 5 kabilang ang may-ari ng Globe Asiatic na si Delfin Lee, na kinasuhan ng syndicated estafa dahil sa maling paggamit o irregular used ng P7.03 bilyong halaga ng housing loans.

Kabilang naman sa ‘big four’ ay sina dating Army general Jovito Palparan, dating Palawan Governor Joel Reyes at ang kanyang kapatid na si Coron Mayor Mario Reyes, at si Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo Jr.

Mismong si PNP chief Director General Nicanor Bartolome ang magpapalabas ng isang letter of instruction para lalo pang paigtingin ang paghahanap sa 5 suspect na ikinokonsiderangbilang  high value target ng police operations, pahayag ni PNP spokesman Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr.

“The PNP created trackers team to track down the five high profile fugitives,” pahayag pa ni Cerbo.

Si Lee at iba pang Globe Asia­tique officers ay kinasuhan ng Home Development Mutual Fund (HMDF o Pag-Ibig Fund) at ilang home buyers dahil sa umano’y double sale ng mga ari-arian sa Xeviera housing projects sa Mabalacat at Bacolor towns sa Pampanga.

Akusado naman si Palparan ng kidnapping at illegal detention ng 2 UP students na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño noong 2006.

Ang magkapatid na Reyes ay wanted sa pagpatay sa broadcaster na si Gerry Ortega habang si Ecleo ay naparusahan ng kasong parricide.

Nagdagdag ang PNP ng P300,000 pabuya para sa pagdakip kay Ecleo at sa Reyes brothers.

Ang mag-utol na sina Reyes ay may P1.55 million bounty sa kanilang ulo habang si Ecleo naman ay may P150,000 at si Palparan ay may patong sa ulo na P1 million reward para sa  kanyang pagdakip.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply