Political piracy

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya si dating Pangulong Joseph Es-trada sa pag-“pirate” raw ng Libe-ral Party sa mga nakalistang kan-didato para senador ng United Nationalists Alliance (UNA). Na-UNA na kami sa mga yan! Tulad nina Sen. Loren Legarda, Sen. Chiz Escudero at Sen. Gringo Ho-nasan. Mga sure winner ang tatlong reelectionists. Ito raw  pagpirata ng mga kandidato ang nagpapakita ng kahinaan ng partido Liberal at mga kaanib na pwersa nito.

Hindi ko alam kung tinanggap na nina Sen. Loren, Chiz at Gringo ang nominasyon ng UNA pero ang tatlo kasi ay hindi naman ka-sapi ng dalawang partido na bumu-buo ng UNA. “They are neither PMP not PDP-Laban.” Ayon pa kay Pang. Erap, hindi pwede sa UNA na may iba pang partido ang kani-lang kandidato. Puwera balimbing sa UNA. Kung baga sa misis dapat isa lang. Hindi pwede na may una at Lipat sa Pa-ngalawa (LP).

Sang-ayon ako kay Pres. Erap na dapat kung sa UNA ka nakalinya doon ka. Pag Liberal Party ka, doon ka. Problema, hindi ganoon ang nangyayari. May “adopted candi-date” o “guest candidate” pero ang mas malala ay ang hindi nalalathala na mga laglagan ng kandidato kahit ikaw pa ay kapartido.

Bakit, attorney?  Kasi kahit na magka-ticket ang mga senatorial candidate, isang posisyon ang kani-lang pinag-aagawan. 12 ang pwesto para sa senador. Sa simula ay bu-ong nangangampanya ang mga kandidato pero kapag nakikita ng isang kandidato na argabyado siya at baka matalo, magsosolo na siya at “single vote” para sa kaniya ang kampanya. Sa mga nais namang mag-number one, nagbabantayan sila at maglalaglagan para hindi ma-ungusan sa pagiging number one.

May “behind-the-scenes” din na dapat nating tingnan. Aminin man o hindi ng mga politikong babanggitin natin ay malalaman natin yan pag-dating ng halalan. Halimbawa, kung si Sen. Chiz ay lilinya sa Liberal, ano ang mararamdaman ni Sec. Mar Roxas at mga loyalista niya? Nakalimutan na kaya ni Roxas ang kampanya noon ni Chiz na NOY-BI (Noynoy-Binay)? Magdadalahan kaya ang mga NP candidate at LP candidate na napabalita na mag-sasanib sa darating na halalan? Ganundin sa UNA, ‘di ba’t sinabi ni Cong. JV Ejercito na mas gu-gustuhin niyang makasama si Sen. Koko Pimentel kaysa kay Sen. Migz Zubiri kahit na pina-boran ng kanyang ama si Migz, kaya’t umalis na sa UNA si Koko!

Sa politika ni Pinoy, ang lahat ay posibleng mangyari. Depende lahat yan sa interes ng mga poli-tiko. Syempre lahat ng kandidato gustong manalo. Dahil dito, malimit ay lunukin ang sariling prinsipyo. Pero ang laging pahayag ay mag-sasama-sama kami para sa Fili-pino. Sana nga ay ganun, pero pagdating ng 2016, ibang sitwas-yon naman at ibang timpla ng po-litika dahil presidential elections na iyon. Baka magulat na lang tayo na magpalit-palit naman ang mga magkakampi ngayon at magka-laban naman bukas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply