Political will ni PNoy kailangan sa Maguindanao massacre

KAILANGAN umanong magpakita ng political will si Pangulong Benigno Simeon Aquino III para maresolba na ang Maguindanao massacre case.

Ito ang paniniwala ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes, at iginiit na kailangang tiyakin ng pamahalaan na mabibigyan ng hustisya ang sinapit ng may 57 biktima ng karumal-dumal na massacre sa Datu Unsay sa Maguindanao noong 2009.

Nadismaya rin ang Obispo dahil makalipas ang dalawa at kalahating taon ay hindi pa rin nakakamit ng mga biktima ang hustisya bagama’t nakakulong na ang mga pangunahing salarin sa krimen. Hanggang ngayon kasi ay dinidinig pa rin ang kaso sa hukuman.

Nangangamba rin ang Obispo na sa pagkamatay ng ilang testigo sa krimen ay lalo pa itong makaapekto at makapagpahina sa kaso. “I hope President Aquino should give a strong signal and statement about the case,” pahayag pa ni Bastes.

Umapela rin naman si Bastes sa pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na maglabas ng pahayag upang bilisan ng korte ang pagdinig sa kaso ng hindi naman nasasakripisyo ang due process.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply