Polling places para sa mga disable itatayo

MAGTATAYO ang Commission on Elections (Comelec) ng mga polling places para sa mga botanteng may kapansanan o persons with disabilities (PWDs) upang mapadali ang paraan ng kanilang pagboto.

Alinsunod sa Resolution No. 9485 na ipinalabas ng Comelec, nakasaad na itatayo ang polling places para sa PWDs  na nagparehistro bilang “disabled’ sa kanilang registration forms, sa ground floor ng voting centers ng mga presinto.

Ilalagay ang mga polling place sa mga lugar na may sapat na espasyo para ma-accommodate ang mahigit 10 PWD voters ng sabay-sabay.

Ikukonsidera rin sa pagtatayo ng polling place kung kinakailangan ng PWDs na gumamit ng mga wheelchair.

Tinukoy sa resolusyon na kinakailangan na ang polling places ay walang anumang physical barriers at dapat na mayroong mobility, communications, visual, at iba pang uri ng tulong para sa PWDs.

Maglalagay din ng waiting area para sa PWDs sa loob ng voting center, o di kaya’y malapit sa gate o classroom sa tabi ng polling place.

Gayunman, ang PWDs na hindi nagdeklara ng kanilang disability sa kanilang applications of registration ay kinakailangang bumoto sa regular polling place kung saan naman sila bibigyan ng express lane at iba pang kaukulang tulong.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply