Pondo mula sa Pagcor iniipit

PATULOY ang banggaan nina Manila Vice Mayor Isko Moreno kasama ang 28 kaalyadong konsehal at ni Mayor Alfredo Lim at pinakahuli na nga rito ang pag-delay umano sa release ng pondo mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. na siyang ipinantutulong ng mga konsehal sa kanilang mga kababayan.

Ang sigalot sa pagitan nina Mayor Lim at VM Isko kasama ang 28 city councilors ng Maynila ay nasiwalat matapos umanong pumalag ang grupo ng bise alkalde na hindi na nila natatanggap ang allowance mula sa PAGCOR na kanilang inilalaan at ibinibigay sa mahihirap na taga-Maynila.

Sa pahayag ni Majority Floor Leader Honey Lacuna-Pangan na mula Nov. 2011 ay hindi pa natatanggap ng 28 konsehal at ni VM Isko ang tulong mula sa PAGCOR na kanilang ibinibigay sa mga taga-Maynila pero labis silang nagtataka kung bakit ang siyam na konsehal na kaalyado ni Lim ay patuloy na tumatanggap nito.

Misteryo rin para sa grupo ni VM Isko Moreno kung bakit nagawan ng paraan ni Lim na sa Manila City Government na iparaan ang lahat ng allowance ng mga konsehal at ng bise alkalde na pinantutulong sa mamamayan ng lungsod gayung dati nama’y direkta itong ipinadadala ng PAGCOR sa mga opisyales ng Maynila.

Sa paningin tuloy ng 28 konsehal, sa pangunguna ni Coun. Jong Isip, tagapagsalita ng grupo, halatang napupulitika ang PAGCOR funds dahil daraan sa tanggapan ni Lim ang lahat ng papeles para sa release ng allowance ng mga konsehal pati na si Moreno kaya’t depende na lang umano sa alkalde kung kailan niya ito ipalalabas.

Sinabi rin ng grupo ni Moreno na mga kapus-palad na taga-Maynila ang tunay na biktima ng pang-iipit o delay na pag-release ng pondo dahil para sa kanila ito.

Itinanggi rin ni Isip na nabigyan na ang ilan sa 28 konsehal  na kapanalig ni Isko dahil patuloy umano ang konsultasyon ng grupo tungkol dito.

Sinabi rin ng tagapagsalita ng 28 konsehal na magaling magpalabas ng propaganda ang kabilang grupo para makakuha ng simpatiya sa tao at guluhin ang kanilang grupo kaya’t patuloy ang kanilang pag-uusap dahil baka mayroon sa kanilang maligaw ng landas at maniwala sa mga maling balita.

Tiyak na lalo pang gugulo ang Maynila at ito ang ating babantayan dahil inaabangan ito ng taumbayan.

# # #

Mukhang tuloy ang pagtutulak ng Charter Change matapos sabihin ng dalawang lider ng Kongreso ng walang masama sa pag-uusap  sa dalawang kapulungan.

Sa pahayag kasi nina Speaker Feliciano Belmonte ng Lower House at Senate President Juan Ponce Enrile, malinaw ang kanilang pagkakasundo na may punto na rebisahing muli ang kasalukuyang Saligang Batas ng bansa.

Antabayanan natin ang mga itatakbo ng isyung ito sa dalawang kapulungan dahil tiyak na ito na ang tututukan ng mamamayan matapos mailibing ang hari ng komedya na si Mang Dolphy.

# # #

Sa mga naghahangad ng tahasang pagkalinga ng pitak na ito, maaari kayong mag-email sa barangayanni_isko@yahoo.-com o mag-text sa 09336363310

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply