Poultry products sa Mexico ban sa Pinas

PANSAMANTALANG nagpalabas ng temporary ban si Agriculture Secretary Proceso Alcala sa importasyon ng poultry at mga produkto galing sa bansang Mexico dahil sa umiiral na outbreak ng highly pathogenic avian influenza roon.

Batay sa memorandum order ni Sec. Alcala, ipinatitigil nito ang pagpoproseso sa lahat ng aplikasyon para sa importasyon ng mga  produktong nagmula sa Mexico at issuance ng veterinary quarantine clearance.

Maging ang shipment ng domestic at wild birds at mga produktong mula sa Mexico ay pinakansela ng kalihim at ipinakukumpiska rin ang mga nakalusot na sa mga daungan ng bansa.

Sinabi pa ni Alcala, upang maprotektahan ang lokal na poultry industry at publiko kailangang ipatupad ang temporary ban sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply