Preemptive evacuation inirekomenda ng La Mesa Dam operators

IPINANAWAGAN na ngayon ng isang La Mesa Dam manager ang agarang preemptive evacuation sa mga residente na malapit  sa Tullahan river dahil malapit na itong umapaw simula pa kaninang umaga.

Inilagay na dam operators ang water level malapit na sa  spilling level na 80.15 meters.

Inilagay naman ng  Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang La Mesa dam water level sa 79.59 meters.

Sinabi ni La Mesa head-works manager Engineer Teddy Angeles, na ang water level ay umabot na sa 79.59 meters dakong alas 12 p.m., na 56 centimeters na mas mababa sa overflow level nito na 80.15 meters.

”Preemptive evacuation, which means, it is up to the discretion of the local governments to evacuate,” paliwanag nito.

Sinabi pa ni Angeles na nakikipag-ugnayan na sila sa kasalukuyan sa mga barangay sa Tullahan River, na nagmula sa La Mesa Dam, hinggil sa kanilang  preemptive evacuation recommendation.

Ang aapw na tubig ay dadaloy sa Tullahan River, na maaapektuhan ang Quezon City, Valenzuela, Malabon at Navotas Cities, ayon pa kay Angeles.

Kaninang umaga, umabot na ang water level sa 79.51-meter level, mula sa Sabago na 79.42 meters lamang, pahayag ng PAGASA.

Sinabi pa ni Nievares na kapag ang water level ayy umabot na sa 80.15 meters, magpapakawala na ng tubig ang La Mesa Dam.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply