Presyo ng isda, gulay tumaas

ISINISI na naman ng mga negosyate sa bagyo ang pagtaas ng presyo ng isda at gulay sa pamilihin matapos ang malalakas na pag-ulang dulot ng bagyong Gener at ng Hanging Habagat.

Batay sa monitoring sa Guadalupe Market sa Makati City, umaabot na sa P140 ang kada kilo ng isdang galunggong, P160 ang kada kilo ng salay-salay, P380 ang Lapu-lapu, P200 ang dalagang bukid at P100 ang kada kilo ng tilapia.

Maliban dito ay nagsimula na ring magmahal ang presyuhan ng gulay sa mga palengke

Isinisi ng mga negosyante ang pagsasara ng ilang lugar dulot ng pagtaas ng tubig baha at landslide sa lalawigan na dinadaanan ng mga umaangkat ng isda at gulay.

Gayuman, aalamin ng Department of Trade and Industry kung makatwiran ang pataas sa presyo ng naturang produkto.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply