Presyo ng langis muling tumaas

MULING nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis ngayong umaga.

Ayon sa report, 20 sentimos ang idinagdag ng Shell, Petron, Flying V at Total sa presyo ng kada litro ng kanilang premium at unleaded gasoline, gayundin sa kerosene.

Ito na ang ikaapat na pagtaas sa presyo ng langis ngayong Hulyo bunsod pa rin ng pagmahal ng presyo ng langis sa world market.

Hindi naman gumalaw ang presyo ng diesel, ngunit inaasahang tataas din ito sa mga susunod na araw.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply