Presyo ng langis, sisirit na naman

MATAPOS ang sunod sunod na tapyas presyo ng produktong petrolyo sa bansa, nakaamba naman sa susunod na linggo ang posibleng panibagong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo matapos itong i-anunsiyo ng Department of Energy (DoE).

Nabatid kay DoE Oil Industry Management Bureau Director Zenaida Monsada, malamang na sumirit na muli pataas ang presyo ng mga produktong petrolyo matapos gumalaw na muli ang halaga ng langis pataas sa pandaigdigang pamilihan.

Posible, aniyang, papalo sa P0.60 sentimo kada litro ang itaas sa presyo ng regular na gasoline habang P0.30 sentimo naman sa kada litro ng diesel.

Dahil dito, inaasahan na mauudlot na ng tuluyan ang inihaing petisyon ng consumers group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pagbabawas sa pasahe sa taksi at iba pang pampublikong sasakyan.

Magugunit na noong nakaraang linggo ay nagpataw ng dagdag presyo ang mga kompanya ng langis sa produktong petrolyo matapos ang sunod-sunod na price rollback na kanilang ipinatupad makaraang sumadsad ang halaga ng langis sa international na merkado

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply