Presyo ng LPG tataas ng P7/kilo sa Agosto 1

NAPIPINTONG muling lumobo ang presyo ng liquefied petroleum gas sa darating na Agosto 1.

Ayon sa report sa radyo, magtataas ang  LPG Marketers Association (LPGMA) ng kanilang presyo nang hanggang   P7 per kilo o  P77 per 11-kg  o kada tangke.

Ayon kay LPGMA party list Rep. Arnel Ty,  ang pagtataas ng presyo ng LPG ay bunsod pa rin sa  world contract prices ng LPG na umano’y tumaas ng  $753 per metric ton mula sa $606.

Noong nakaraang Miyerkules, sinabi ni  Ty na tumaas ang  international market price ng LPG nang hanggang $150 per metric ton.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply