Presyo ng LPG tatapyasan pa

MULING magtatapyas ng P1 kada kilo ng kanilang cooking gas ang mga miyembro ng Liquefied Petroleum Gas Marketers Association (LPGMA) simula kaninang umaga.

Ayon kay Arnel Ty, pangulo at kinatawan ng Party List LPGMA, may kabuuang halagang P11 sa bawa’t tangke na tumitimbang ng 11-kilo ang ibabawas nila sa kanilang produkto simula alas-6 ng umaga.

Dahil sa resulta ng panibagong rollback sa presyo ng cooking gas, aabot na lamang ang suggested retail price (SRP) ng kada tangke ng cooking gas ng LPGMA sa P562 mula sa dating P573.

Kabilang sa mga miyembro ng LPGMA na magtatapyas ng kaukulang presyo ang include Island Gas, Regasco Gas, Pinnacle Gas, Cat Gas, M-Gas, Omni Gas at Nation Gas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply